Bona, napapanood sa cannes classics

0
Bona-napapanood-sa-cannes-classics

Batay sa layunin nitong itaguyod ang pelikulang Pilipino sa global audiences at magbigay ng patuloy na suporta sa mga magagaling na Pilipinong talento, ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) ay nagpadala ng delegasyon sa Marché du Film kasabay ng 77th Cannes Film Festival na nagsimula noong Mayo 14 hanggang Mayo 25, 2024.

Tulad ng dati, nagbibigay ang FDCP ng suporta sa mga filmmaker at production companies sa pagpapalabas ng kanilang mga pelikula at proyekto sa Marché du Film, kung saan maaaring makapag-ukit ng mga koneksyon sa internasyonal na industriya ng pelikula ang mga delegadong Pilipino.

Nagpakatawan din ang Pilipinas sa mga makabagong pelikulang Pilipino, proyekto, at filmmaker sa prestihiyosong Cannes Film Festival.


Kabilang dito ang pelikulang Bona, sa Cannes Classics.

Noong 1981, ipinalabas ang Bona sa Cannes Filmfest, Cannes Directors’ Fortnight.

Isang obra na nilikha ng yumaong Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula at Broadcast Arts na si Lino Brocka na naibalik sa 4K ng Carlotta Films at Kani Releasing.

Bida dito ang Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula at Broadcast Arts na si Nora Aunor at si Phillip Salvador, at inilalahad ang kwento ng Bona, isang batang estudyanteng napapaibig sa isang matandang aktor at naging alipin nito. Nang magpasya siyang iwanan ang aktor, sinimulan ni Bona ang kanyang paghihiganti.

Hindi kakaunti ang taon, subalit hindi kumupas ang kuwento ng Bona. Marami pang mga kuwentong katulad nito ang patuloy nating natatangkilik.

Higit na kaabang-abang kung magkaroon tayo ng iba pang bagong pelikula na maaring ipakilala sa iba pang patimpalak sa Cannes.
Tags

Post a Comment

0Comments
Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !