Charina: Batang Tondo, bodybuilder sa Amerika

0
Batang-Tondo-bodybuilder-sa-Amerika

Kabilang sa mga matagumpay na Filipino Canadian si Charina Amunategui mula sa Tondo, Maynila, Pilipinas na sumilong sa Canada bago manirahan sa Estados Unidos. Isa siyang propesyunal sa pinansya na may dalawang dekadang karanasan sa bangko sa Estados Unidos, Canada, United Kingdom, at Bermuda.

Sa ngayon, si Charina ay nasa posisyon bilang executive director ng Bank of Tokyo-Mitsubishi UFJ, isa sa mga pinakamalaking bangko sa buong mundo. Siya rin ay hinirang bilang tagapangulo ng 100 Women in Finance MidCareer Bridge NYC; tumanggap ng The 2023 Most Influential Filipina Woman in the World Award mula sa Foundation for Filipina Women’s Network; at 2024 Grand Marshal ng Philippine Independence Day Parade sa Hunyo 2, 2024 sa Madison Avenue, New York City.


Bukod dito, regular siyang nag-eexercise sa gym, na tumutulong hindi lamang sa kanyang katawan at isip kundi pati na rin sa kanyang trabaho at pag-aaral. Hindi alam ng karamihan na isa siya ring bodybuilder at sumasali sa mga bodybuilding competition.

Para kay Charina, ang pagiging bodybuilder ay katuwaan lamang. Ayon sa isang artikulo ni Cristina DC Pastor sa FilAm website, aktibo siya sa gym ng limang araw kada linggo sa loob ng nagdaang 10 taon. Binabantayan niya ang kanyang kinakain at sinusundan ang kanyang weightlifting routine, cardio, at blood sugar sa isang spreadsheet. Sa pamamagitan ng disiplinang ito, ipinapakita niya ang kanyang determinasyon na alagaan ang kanyang katawan para labanan ang stress sa trabaho at paaralan.

Sa Mayo 2024, inaasahang matatapos ni Charina ang kanyang pag-aaral sa MBA sa Yale University na may specialization sa Asset Management.

Ipinanganak at lumaki si Charina sa Maynila at agad niyang naranasan ang hirap ng buhay. Nang mamatay ang kanyang tatay nang siya ay walong buwan pa lang, nagpakasal ang kanyang ina kay Pedro Visperas Jr., na kinilala niya bilang kanyang tunay na ama. Pero namatay ang stepfather niya sa kanser noong 2007, na nagdulot ng lumbay sa kanyang puso.

Ang karanasan ni Charina sa paglaki sa Tondo at pagtira sa Canada kasama ang kanyang pamilya sa murang edad na 14 ay humubog sa kanyang pagkatao. Kasama nila sa Tondo ang maraming kamag-anak mula sa panig ng kanyang ina, tulad ng mga tito, tita, lolo, at lola na kasapi sa middle class. Ang kanilang pamilya sa Tondo ay may negosyo sa machine rebuilding na patuloy pa rin hanggang ngayon habang siya ay nag-aaral sa St. Scholastica’s College.

Sa edad na 14, nagbago ang kanyang buhay nang sumulong sa Canada.
Tags

Post a Comment

0Comments
Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !